<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Yang piknik

ANG PIKNIK

dahil may 18 ngayon, may reunion/picnic ang POTE. kahit kulang kami, sige, gala lang. 2PM na naging 3PM dahil nga karamihan ay late, isa na ko dun. ang daming pagkaing dala: ice cream na ang flavor ay cookies & cream, chips, pizza galing sa sam's, chocolate cake at apat na 1.5 coke light. sino ba namang hindi mabubusog dyan?

wala ako dyan dahil ako ang photographer. hindi kami nag-usap na magpuputi lahat. (; charing. sa boardwalk yan, dun sa mga damuhan. malapit nang maubos yung cake. ang coke ni tahur, bagong lagay lang siguro.

bago pa kami makarating ng boardwalk, kung san-san p
a kami napadpad. ang unang choice kasi namin, pugad na ng mga nagliligawan. baka makaistorbo kami sa kaingayan namin at isa pa, maraming langgam dun sa damuhan sa sobrang sweet nung mga nag-oo-ohan. korni.

pagkatapos lumamon, piktyur-an na. san ba dapat nakatingin? sabi ko kaya, harap sa camera. yan tuloy kinalabasan, ako lang nakatingin.

epekto ng paglalandian sa buhanginan. pati mga paa, kinuhanan na rin. Ü

ang mga naiwan sa pinagkainan habang kami, humiwalay muna para mag-pictorials. hindi pa pala ubos ang cake. naka-straw talaga dapat habang iniinom ang coke sa baso.

gustong-gusto ko tong picture na to. ang ganda ng view, pare-pareho pa kaming mga nakaputi. at ang mga tsinelas, nakakalat. TEAM UNITY? Ü

isa pa to, gusto ko rin to. yun nga lang, trabaho ko talaga ang kumuha ng pictures e, para lang mai-share ko sa blog. korni. pero, totoo yon.

hindi ko mahal ang poste, sana dumikit pa pala ako masyado.

indian-seat daw sabi ni chay. sumunod naman ako. Ü

marami pang pictures! kaso palpakin ang dala kong camera dahil lowbat pala ang hayop. bawat isang kuha, kusang magsasara ang camera. KUSA.

ang saya-saya-saya dahil nagkakasama ulit kami kahit nga may kulang. nag-dinner na rin sa coco lime, at dun talaga napunta ang sweldo ko sa tindahan ng POTE. bottomless iced tea at sizzling sisig ang tinira. bakit nga pala ang sungit nung isang waitress don?


marian: hindi na ko babalik dito. [coco lime]

may nakalimutan akong sabihin. sasabihin ko na lang pag naalala ko na sa susunod na entry. Ü

teka! natandaan ko na pala. nakabili na kami ng PRISON BREAK: SEASON 2. kung ako lang nandun sa palabas na yon, ako nang manunundo kay michael scofield para makatakas na siya sa mga hinayupak na mga pulis!

Labels: ,

Friday, May 18, 2007 @ 10:54 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!