Ygunbound.
kanina na lang ulit ako nakapagsimba/simbang hindi gano seryoso. pag kasama ko lang naman mommy ko, dun na lang ako nagiging seryoso e. hindi ko mapigilan yung sarili kong hindi magsalita/kausapin yung katabi kong si jeannine na isa ring makwento.
matapos magsimba, nagkainan sa jollibee. akala ko sa mcdo, gusto ko ng green apple float. sinamahan lang naman namin si jeannine para makipagkita sa special friend ña. nakakahiya naman kung hindi kami oorder kaya no choice. umorder na rin.
gusto ko nung nachos overload ba yon? basta, may overload dun. may nachos, fries at cheese na sobrang kinaadikan ni jay. at as usual, hindi mawawala ang mango caramel na sumobra sa tamis.
hindi rin kami agad-agad umalis dahil nauwi kami sa mahaba-habang kwentuhan. online games, nauwi sa mga di-lisensiyadong internet cafe, sa nakakamiss na laro na inimbento ni jan c' zar, sa pokemon, etc.
iba talaga ang nagsama-sama ang mga makukwento. na-miss ko pala ang gunbound! dahilan na rin kung bakit bumaba ang grades ko nung nasa third year highschool ako. kahit may lagnat ako, naglalaro pa rin ako. mabuti naman ngayon, medyo nakakalimot na rin kahit paano.
yan, ako yan. ang character ko noon, mga dalawang taon na ang nakakalipas. hindi ko na naisipang buksan ulit dahil nakalimutan ko na kung ano yung username ko.
musta naman yon?
Monday, May 28, 2007
@ 12:09 AM