kung ako tatanungin, hindi ako magpapaapekto sa kung lagi silang kinokomersyal sa TV, kung marami silang ads. sikat nga, magaling naman ba? kung magsalita ako, parang pamilyar talaga ako sa bawat politiko. sinasabi ko lang kung ano yung nakikita ko. hindi pa ba sapat na ebidensya 'yung pagbaba ng ekonomiya natin para masabi nating hindi seryoso yung ibang naka-upo sa gobyerno? may freedom naman ang bawat isa sa 'tin para magsalita kung anong pananaw diba? hindi naman siguro masama yung magsabi ng totoo.
manalo lang sila legarda, pangilinan, escudero tsaka si cayetano, matutuwa na ko. maibabalik na rin siguro 'yung tiwala ko na meron pa ngang pag-asa. ayokong manalo yung mga baguhan, yung mga bigla-biglang sumusulpot ngayon/bago mag-eleksyon. sana hindi manalo yung mga maraming ads sa tv, kasi iniisip ko, pag nanalo sila, babawiin nila yung mga ginastos nila sa pangangampanya dun sa pera ng bayan. ayokong magbanggit ng pangalan, baka bukas-makalawa, ipakulong na ko.
k. nagiging seryoso na ko sa pagtatayp.
sa mga boboto, iboto sana yung karadapat-dapat. nakakasawa nang makakita ng magulong gobyerno, puro katiwalian, puro gulo. lagi na lang ganito, hindi na nabago. magbabago pa nga ba? hangga't marami-rami pa naninirahan dito at hindi ba nag-mimigrate, meron pang pag-asa.
galing to sa isang kabataang tulad ko, kaya, bahala na.
so far, eto yung pinakaseryosong entry na pinost ko.
Labels: election