<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Ylate update

PESTENG ENTRANCE EXAM

kahapon pa kaya ako nag-exam. nakakatakot, wala akong kakilalang kasabay kong magtetest. mabuti na lang, friendly yong nakatabi ko sa labas ng campus. siya pa talaga yong tumawag sa 'kin nung tinawag na yung mga magtetake ng exam. thanks God, may friend na agad.


ang lamig sa loob ng room na yon, at kung alam ño lang kung ano suot ko non. sinong hindi giginawin? haha. hanggang sa pag-take ng exam, magkatabi pa rin kami. hindi ko nakuha pangalan ña, kung nakuha ko, nakalimutan ko agad paglabas ko nung room. so like, ilang minuto pagtapos ng 9, nag-start na kami. pero, bago yon, may humabol pa na mag-eexam. nakakagulat, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, matutuwa ba ko o mahihiya. si dwayne john yulo lang naman yon e. siya lang naman yong kinababaliwan ko dati nung elementary na naging kaklase ko pa nung 1st year highschool at naging ex ni jevecca. kamusta yon? bakit pa ba bumalik ng olongapo yon? hindi niya malalaman na nandon ako, kung bakit pa kasi tinawag pa pangalan ko nung magpapa-exam. cassie gail pa nga.


english muna ang inuna ko since dun lang naman ako laging nakakabawi. next, general science. lintek na mga tanong, sa biology lang ako nangalahati. sunod, general information. ano bang mga tanong na yon? wala naman akong balak maging politician pagtanda ko. tapos, abstract reasoning na madali naman kahit paano, common sense lang. sunod, math. enough said.


magtetwelve na nung natapos ako. hinintay na naman ako nung katabi kong matapos ako. gentleman ehh? mukha kong t_nga paglabas nung room. nag-iisa, iniisip yong inexam ko. ang daming nakatingin, nakakairita.


SA LOOB NG JEEP.

kung alam ko lang na magkakaganon, nag-prepared na dapat ako sa ganong kahihiyan. so like, first time kong napahiya, nababoy ng taong hindi ko kakilala. halos mangiyak-ngiyak ako don, naiyak na nga. kelangan na kelangan ko mommy ko non. husko, hindi ako nakikipag-usap nang personal sa mga taong hindi ko kakilala lalo na sa mga taong wala sa tamang pag-iisip. wala silang pakialam kung ganon ako dahil ganon talaga ako eh. sh_t pala ako, sinisigawan pa. retarded or what? ang dami pa ñang sinasabi, hindi ko maintindihan. gusto ko nang bumaba kahit malayo pa yung destinasyon ko, baka sabunutan ako e. hindi ako makakaganti kasi matanda na siya. respeto, yon lang yon.

kshie <3
Tuesday, May 8, 2007 @ 5:06 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!