Ysorry.
musta naman to. ngayon na lang ulit ako nakapag-update. hindi dahil lagi akong busy, siguro dahil sa tuwing mag-uupdate na ko, lagi akong tinatamaan ng antok. epekto na talaga siguro to ng pagiging adik sa prison break, na halos alas-tres na ng umaga kung matulog ako tapos oras ng gising lagi, alas-ocho. nagiging antukin lang talaga ako.
sa wakas, naka-enroll na rin ako. salamat na rin dahil may kilala na kong ka- blockmate ko, si mary joy. siya lang naman ang lagi kong kasama/partner tuwing pumupunta sa gordon college. akala ko kasi, hindi na kami magkasama. kalabagtiran lang pala ng naging panaginip ko.
dalawang episodes na lang, matatapos ko na yung season 2. kaya kung sino man ang nakakaalam kung san makakabili ng season 3 ng prison break, pakisabi na lang. gusto ko na talagang panoorin. wee~
sana lang e, tapos na silang mag-shooting.

Thursday, May 24, 2007
@ 7:48 PM