RANDOM
akalain mo yon, kahapon lang ako nakanood ng video sa youtube. kung hindi pa ko magtatrabaho sa internet shop ng pinsan ko, hindi pa ko makakanood. syempre, sulit-sulit na. pinanood ko na 'yung teaser ng prison break: season 3 na useless. walang kwenta, kung ano lang pinalabas don, yun din yung pinalabas bago matapos yung season 2. at syempre, yung music video ni mariah carey na we belong together tsaka it's like that kahit na hindi ko type. leading man ña pala don si wentworth. yan na, kinikilig na tuloy ako. dahil siya na yung pinag-uusapan. meron palang laro sa internet yung prison break. natawa naman ako dun, kuhang-kuha yung opening theme. kaso, hindi ako nag-eenjoy sa laro, wala man lang ka-thrill-thrill.
nagsiluwasan na yong mga kaibigan ko papuntang maynila para oo, manggulo. charing. nag-eenjoy naman na siguro sa kani-kanilang mga dorm/bahay. hindi na talaga ako nireplyan ni laurine. pasukan na talaga! kung bakit kasi kelangan pang mag-college e. sigurado akong maninibago lahat pagdating ng sembreak. common mamon, tumawag pa pala ang bading-slash-tibo kong bespren sa bahay bago siya lumuwas. sa kasamaang palad, nananaginip pa ko nung mga oras na yon kaya eto, wala pa ring balita tungkol sa pag-alis niya.
ano pa ba, nauubusan na ko ng kwento. nakadalawang paragraph pa lang ako pero nanlalabo na pag-iisip ko. ang daming bagay na gusto kong gawin pero hindi ko magawa.
sadyang duwag lang ako.
sa susunod na lang yung mahabang entry.