YHappy Father's Day.
FATHER'S DAY.
Bidang-bida si papa ngayon kaya pinipilit kong maging mabait kahit ngayong araw lang na 'to. charing. Lagi ko namang sinusunod utos niya e, ayokong kasing makarinig ng kahit anong pangangaral galing sa kanya dahil sa katamaran ko. Isang cake lang na parang Black Forest yung pinabili. Kelangan ko pa talagang umutang ng P20.00 para mabili yon.
REUNION-kuno.
Nagsiuwian na yong mga ka-barkada ko nung Highschool. Pero, dalawa lang yung naabutan kong nakatambay sa school. Teka, ilan ba yung umuwi? Basta, umuwi yung bestfriend ko. Syempre, kung san-san na naman kami napadpad. Sa mall, sa National Bookstore [ang hirap pala mamili ng binder], sa Mcdo, sa Red Ribbon, Goldilocks, sa bahay nila dahil may kukunin lang. Sinulit talaga yung 6 na oras. Teka, may karibal na pala ako. May bagong bestfriend yung bagong bestfriend ko. Ang sosi kasi taga-UST pa, e ako? charing.
Naka-bold lahat ng word na charing.
Si Marian pa pala, ang daming bagong words sa sarili niyang dictionary. Pero ang pinakamalupit na word, Insomaniac. Imsonia + Maniac = Imsomaniac. Ü
CLUB PENGUIN.
Kamusta naman 'tong larong to. Parang sira, palakad-lakad lang yung character ko dito. Walang pangungutuhan, ni hindi ko nga alam kung anong gagawin don. Ang susungit pa nung ibang players. Hindi marunong sumagot sa mga tanong kong napakasimple lang para sa kanila. I'm so dumb! And they're so chaka.
Kinarir ko talaga yung laro kahit na alam kong maaasar lang ako dito. Nanghuhuli ako ng Puffles para naman madagdagan coins ko. Ang lilikot nila, pinapahirapan ako masyado.

Sunday, June 17, 2007
@ 10:28 PM