YUmuulan na.
Umuulan na.
Ba't ba hindi na lang kahapon nagsimula yung ulan? Tumakbo pa tuloy kami sa PE namin ng ilang laps sa oval. Husko, ang sakit-sakit sa tagiliran. Buti na lang, nandyan si Casey, walking-companion. Ang bagal kong tumakbo, wala na talagang ikakaasenso yung bilis ko. 10 seconds for 1000 meter-sprint. Kamusta, diba?
May nangyayari yatang alitan sa Block C. Sayang, nahuli ako sa balita. Umiiral na naman pagka-chismosa ko. Sana maayos na.
Hindi ko talaga mahanap yung Hope for the Flowers na yan. Pati yung guard sa National sa Royal, tinutulungan na kong maghanap. Wala namang nangyari. Grr.
Gusto ko ulit ng shawarma.
Oh, no.
Pinapag-enroll ako ng Aikido para mabanat-banat yung mga buto namin ng kapatid ko. Sh*t na yan. Anong gagawin ko don? Self-defense ek-ek? Haha. Magsasayang lang ng pera ang Mommy ko. Lalaruin ko lang yon na parang wala lang. Makakalimutan ko rin yon.
NSTP.
I love the shirt. Sana color pink na lang forever. May footprints pang nalalaman. Na-enjoy ko pala yung pagpapakilala ko kanina sa harapan.
"Ako si Mary Joy Olaguer. Taga-Old Cabalan. Umm, birthday ko nung November 21, 1990. Graduate ako ng Saint Joseph College nung Highschool tsaka nung Elementary. May dalawang kapatid ako. Si Joey tsaka si Jayvee.."
Hindi yan yung mga eksaktong words pero gañan yung mga sinabi ko. Parang tanga, tawa kami ng tawa ni Casey. Oo, ako na pinapakilala ni Mary Joy.
Magulo, diba.
Again && Again.
Nagkita-kita na naman ang mga magha-highschool friends kanina. Umitim si Pareng Jay! Hahaha. Tawa. Hi-nug ako ni Jevecca, nakaka-touch. Ba yun.
Danalyn, pinauwi agad.
Saturday, June 30, 2007
@ 6:41 PM