4 years na.
4th anniversary na ng POTE. Ü Kahit na yung isa e may galit sa ken, ,may natitira pa namang 14. Teka, 15 lahat-lahat diba? Naguguluhan kasi ako e.
Okei. Sa August 11, reunion ulit. Excited na kong magwalk-out. Charing.
Photo c/o of Jessica, sa Multiply ña.
11 lang pala kami dyan. +1 yung tagakuha ng picture, so bale 12. Ayun, ilan ba talaga tayo? 14 o 15? Naguguluhan ako. Inaantok na kasi ako e. Haha
Dahil blog ko 'to, ako masusunod. Feeling kong magdrama ngayong gabi. Marami-rami rin palang na-oo sa kalandian/kachismisan namin. Insecure o sadyang malilikot lang talaga kami? Atlis, nag-eenjoy. Ü
Dahil sa kanila, natutunan kong:
Maadik sa chat, mang-trip ng mga girlalung naghahanap ng boylets.
Mag-blog at makaintindi ng rin ng HTML Codes.
Maghagilap ng mga chismis na kumakalat lalo na nung highschool.
Maggala-gala and at the same time, manlandi pero hindi naman super landi.
Magluto dahil sa Cookfest though wala akong silbi non, alam ko.
Maadik sa text dahil sa distribution list.
Makaranas ng Trick or Treat.
H'wag masyadong magkuripot sa pagkain.
Maging matapang chuchu-ever dahil nakakapagod din pala yung lagi ka na lang nagpapakabait.
I-enjoy ang life!
And the list goes on. Ü
Alabyu, mga prinsipe ng mga itlog. ♥