YChenes.
Naka-schedule akong maging tahimik/moody ngayon so, ganun na nga ang nangyari. Minalas tuloy ako! Pero, nakabawi naman sa English. Isang napakalaking achievement para sa ken 'yong maging highest sa test lalo na e kung ayaw mo yung titser. Hindi pala malaking hadlang kung sino man yung maging titser mo don as long as na-eenjoy mo yung subject. Diba, Ma'am ___. Hanggang ngayon, ayoko pa rin ng Math dahil sa 'yo.
So? Ü
Oh well papel, tapos ko na rin sa wakas yung reflection paper. Kanina pa kong umaga nagrereklamo dahil 544 words pa lang naitatype ko, 1500 ulit dapat. Ayun, sumakto ulit.
Ang boring na ng blog ko. Puro na lang tungkol sa pag-aaral.
Eto pa pala, ayoko nang mag-isip-isip nang kung anu-ano bukod dito sa pamumuhay ko tsaka sa mga bagay na super-duper importante sa ken. Pucha, hirap i-explain. Nakakatamad yung ganon. Problema ng iba, poproblemahin mo pa. Teka, oo. Nakakapagod nga talaga. Di pala, nakakatamad yung ganon. Honest! Mas pipiliin ko pang mag-aral na lang kesa isipin pa yung mga ganong bagay.
Wag kang tamaan ha? Nakikibasa ka lang. Ü
Tuesday, July 24, 2007
@ 6:45 PM