YUpdate.
Umulan ka pa sana.
Kahapon, para kaming mga nakakulong sa bahay dahil nga brownout maghapon at sino namang gaganahang kumilos non kung madilim naman yung paligid mo? Hindi naman ako makatulog dahil ang dami kong iniisip. Wala na lang ako ginawa kundi kumain tsaka mangapitbahay. Atlis don, may nakakachikahan akong matino.
Si Jimbo.
What a name? Hindi na siya si James Nope, si Jimbo na siya. Anggulo ng pangalan niya. Hindi ko alam kung niloloko ña lang kami o 'yan talaga first name ña. Alam niya nang may admirers na siya sa Gordon College though bading DAW siya. Kahit na, atlis cute! Ü
Baka sa mga susunod na araw, mairita na sa 'min yon. Huhu. Hindi pa namin natatanong friendster account ña. Ang hirap hanapin!
Kanina.
- Nakita namin si Jimbo sa school. Naka-green na polo, ang cute. PERIOD.
- Na-tanga na naman ako sa Psychology.
- Si Sir, walang konsiderasyon sa buhay. Bumabagyo na nga, pinag-PPE pa kami.
- Natarayan ako nung isang girlalu sa Ministop. Kung makapagselos, akala naman ña, hinahanalay ko yung manliligaw/boyfriend niya na kaklase ko dati nung highschool. Di kita ka-level at di mo ko ka-level. Hahaha.
- Nakita namin ang pinakagwapong titser sa Gordon College sa mall. Sinundan namin hanggang sa CR.. yung girlfriend niya.
- Ngayon lang ako naka-encounter ng napaka-kalog na jeepney driver. Para siyang teenager na ano, yon. Ang saya niya.
- Si Irene! Sinuot 'yung sapatos ni Manong Driver sa jeep. Di pala sapatos, bota na yun e. As usual, wala naman akong ginawa kundi tumawa.
At ngayon,Naasar ako! Hindi ko na matapos-tapos 'tong assignment! 20 minutes na lang.
Friday, August 10, 2007
@ 10:00 PM