<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YBalik ulit sa Verdana.

Balik ulit sa Verdana.

NSTP kanina, late na naman ako pero wala akong pake. May test pala kami kanina at dun pa ko nakaupo sa harapan, ang hirap makakopya. Hihi. Tapos, kung makatingin sa papel ko yung instructor namin, kulang na lang sabihin ñang alam na alam ko yung mga sagot sa tanong dahil sinasabi ña sa buong klase na wala lahat ng #s, may sagot ako. Hindi niya alam na puro hula, kopya yon sa katabi ko. Pero, yung iba naman e alam ko na. Ang kapal din pala ng mukha kong magtext-text habang nagdidiscuss si Ma'am NSTP. Yan tuloy, ininterview pa ko sa buong klase. xp Ang saya, para akong bata non.

May tinuro palang ka-badingan mga instructors namin. Gusto ko yon kaya karapat-dapat na i-post: (Tune ng Nanay-Tatay)

"Mudra, fudra gusto ketch tinapey.
Sisterlu, brotherlu, gusto ketch kafey!
Lahat ng gusto ketch ay kemer-kemerlu.
Ang magkamawes ay pipingutin kech."

May kasama pang mga pang-bading na hand gestures yan. Kaya enjoy gawin kahit na antok na antok at gutom na gutom na kami. XD

Ang yabang namin ng kaklase ko dahil kung makapag-Meat Plus kami. Husko, ang laki-laki ng burger, ang dugyot ko kumain. lol. hahaha. Gusto ko ng coleslaw! I soo love it. <33

Binalikan ko rin yung nasira kong damit sa Trader's kanina pagkatapos kumain. Ang hilig ko kasing magsukat ng mga damit kahit na hindi ko bibilihin. Sa kasamaang palad, nasira ko. Worth P380 pa man din yun. Ang cute-cute kasi eh. Color black tapos parang dress. Kahapon pa yon, pagbalik ko kanina dun kung saan ko nilagay yung damit, wala na don. Yari raw ako sabi ni Manong Guard. Ching.

Sa National Bookstore naman, ang dami kong gustong bilihin na libro. Sayang, hindi ko na mahanap yung Book of Answers tsaka Book of Love Answers. 48 years na ang nakakalipas nang huli kong buksan/nakita yun don. Ito pala, may nakita kaming libro na puro salawikain. Hindi ko alam kung seryoso o simpleng nagpapatawa yung libro:

"Hindi kakamot sa ulo, kung walang kuto."

"Ang dalagang pangit, pag batiin mo'y nagagalit."

"Kung nasaan ang asukal, ay naroon din ang langgam."

=)
Saturday, September 8, 2007 @ 3:12 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!