<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YGusto ko nito.

Gusto ko nito.

1. Gusto kong maging writer. Pagkatapos ko sa mundo ng Nursing, gusto kong mag-aral ng kahit ano na related sa creative writing. Yun naman talaga gusto kong gawin eh. Kung sakaling maging kasing-yaman ko si Bill Gates para sa enrollment fees at sipagin akong mag-aral ulit, why not?

2. Gusto kong matutong mag-drive, yung color pink na sasakyan para bongga. Lahat naman yata, nangangarap na matutong mag-drive. Gusto kong i-roadtrip mga kaibigan ko sa mga delikadong lugar. Charing

3. Gusto kong matutong magluto. Wala talaga akong alam pagdating sa ganyan. Kung mayaman na mayaman na talaga ako, mag-aaral ako sa Culinary School. Che! Libre lang naman mangarap eh.

4. Gusto kong matutong mag-bike. Sa ganitong edad ko, hindi pa ko marunong mag-bike. Ayokong tumanda nang hindi pa ko nagiging bihasa dito.

5. Gusto kong magkaron ng bahay, yung ganun sa pinapalabas sa Urban Zone. Mga condo units sa Makati na malapit sa shopping malls, bars, lahat na. Basta don, sa mundo ng sibilisasyon.

6. Gusto kong makarating sa Disneyland. Bata pa lang ako, yan na pangarap ko. Natutuwa ako pag pinapalabas sa Disney Channel yung mga batang naglalaro dun sa Disneyland. Feeling ko, ang saya-saya nila.

7. Gusto kong magkaroon ng sarili kong tindahan ng damit. Willing pa kong magbantay sa tindahan kung ganon kesa naman magbantay sa internet shop. Haha.

8. Gusto kong makasakay ng eroplano. Gusto kong maramdaman yung feeling ng ganon, yung nahihilo effect pag lilipad na yung eroplano. Haha ulit.

9. Gusto kong maglibot-libot. Gusto kong mag-travel, mamili ng mga souvenirs sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Yung mga ginagawa nung mga hosts sa Pinoy meets World. Gusto kong makakita ng kahit isa man lang sa Seven Wonders of the World.

10. Gusto kong makita si Wentworth Miller. Alam kong napaka-imposibleng mangyari non, gusto ko lang siyang isingit dito. Pano kaya yon, ang tanda-tanda niya na non kung sakaling makita ko siya. Mga 60+ na.

11. Gusto kong mag-check-in sa isa mga hotel ni Paris Hilton. Ito na siguro yung pinaka-cheber na pangarap ko. Hindi ko nga alam kung saan matatagpuan yung mga hotels nila.

12. Gusto kong mag-star gaze sa beach kasama yung jowa. Nabasa ko lang yan sa magazine. Magandang gawain yan bago mag-debut.

13. Gusto kong magka-jowa. Charing. Hahaha.

14. Gusto kong ibigay lahat ng gusto ng magulang ko. Gusto ko, maipagmamalaki nila ako balang araw. Mabilhan ko sila ng bahay, sasakyan, lahat na. Ayokong mag-drama dito.

15. Gusto kong maging contestant sa Takeshi's Castle. Kung hindi ka familiar don, manood ka sa Channel 07. Every weekend, 11:00 AM yata.

16. Gusto kong makagawa ng nobela/libro. O kung ano pa mang maaring magsilbing inspirasyon sa mga pa-tweet-tums katulad ko.
Wednesday, September 5, 2007 @ 5:06 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!