YHavaianas!
Kahapon.
NSTP namin. Ayoko na, finals na namin dun next week. CPR pa yung gagawin, isa-isa. Ang tagal-tagal ko nang kinalimutan yon. Tapos, ako pa yata yung unang tatawagin dahil nagsisimula sa letter A yung apelyido ko, baka alphabetical order pa kapag tatawagin. Parang gusto ko, magpapabagsak na lang ako sa grade ko sa NSTP, nahihiya akong mag-CPR ng isang dummy. Nakakapagod kayang huminga don.
Ano raw yung salitang Jerjer? Nang dahil dyan sa salitang yan, isa ko sa mga naging center of attraction sa klase. Ang dali-dali lang intindihin eh, nakakatawa yung mga kaklase ko, di nila alam yon. XD Parang mga inosente.
Post test sa Chemistry sa bulwagang KHG. Para kaming mga kukuha ng board exam non, mga seryoso sa upuan. Tae, matatapos na nga lang yung semester, hindi ko pa rin alam kung pano mag-name ng compounds lalo na yung formula writing. Ang kapal kong kumuha ng Nursing, hindi ako karadapat-dapat para dito. Tangna, sana makachamba ako. 76 grade ko nung Prelim tsaka Midterm, baka pati sa Finals, yun pa rin grade ko. Ayokoooo!
Nung gabi, nakapiling ko yung mga rakista at emo sa Sweden, ewan. Parang beerhouse na bilyaran tapos puro banda. Ang daming gwapo, para kaming nasa langit. Hahaha. Hindi ko napanood yung kaklase kong kumanta, maaga akong pinapauwi ng nanay ko.
Inaayos na yung buhok ni Tine, para pag kakanta na siya, bongga.
Kanina.
YMCA Marathon pero hindi ako tumakbo, naggala lang kami habang yung iba, nagsisitakbuhan ng 5 km. Dahil parte siya ng finals namin sa PE, nakiusap na lang ako na itakbo nung isa kong kakilala yung race # ko para may certificate na pruweba na tumakbo nga ako. Dito talaga ako nangumpisal.
Mag-aaral na lang muna akong mag-tumbling para mapasa ko ang PE I.
Sa wakas, may Havaianas na ko, kahit malaki sa paa ko. Salamat kay Jay, bait-bait. Binibigay na lang ngayun yung mga ganyang bagay sa panahon ngayon.
Sunday, September 30, 2007
@ 9:49 PM