YRedundant.
Redundant.
Kagabi, sinusulit ko na lang yung unli ko dahil sayang naman yung P30.00 na pinangload ko. Kaya bago tuluyang mawala yung unli, nagtext ako ng Gud pm.ű sa mga piling tao lang. Ayoko kasi yung ibang nagtetext, nagtatanong lang nung tungkol sa lovelife, parang ang boring. Boring kasi ang isasagot lang yung walang kamatayang "single, walang boypren."
Kaya nagulantang ako, hindi pala nagulantang kasi ang tagal na nitong issue na to, nung nalaman kong nililigawan daw ako ng bestfriend kong si Jay. My gawd. Ang dami nang nalilinlang sa kung ano mang meron sa 'ming dalawa. Makita lang kami dalawang magkasama, tatanungin na agad ako kung nililigawan daw ba ako o mas malala pa, kung kami na. Gulay. Hindi mangyayari yon, bestfriends lang kami. Period.
Ayoko nang napagkakamalang kami. Hindi ko naman pinandidirihan yon dahil nga kaibigan ko yon, ayoko lang nang ganon. Yung ganon, ang hirap i-explain. May iba akong gusto at kakaririn ko talaga yon kahit anong mangyari.
Huling pagpapaliwanag na 'to. Single ako, walang nanliligaw, walang commitments. Nakakatamad na kasi yung issue na yan. Ang showbiz talaga ng lovelife.
Iisingit ko lang 'to. Imbis na pag-usapan yung mga ganyang bagay, ito na lang gawin mo/naten: [c/o Kuya Febie]
1. Papakin ang kape kunwari milo.
2. Pag-aralan ang mga linggwahe ng mga ipis at kaibiganin. Magtanong-tanong na rin tungkol sa mga lovelife nila.
3. Punuin ng tubig ang inidoro.
4. Baklasin ang TV at gawing radyo.
5. Pagkasyahin ang sarili sa refrigerator.
6. Magbilang ng buhok.
7. Sunugin ang bahay at sumigaw ng Yehey!
Bow.
Sunday, September 9, 2007
@ 6:20 PM