<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Y2nd/3rd.

2nd day.

Kelangan ko pa bang ikwento? E nandito naman na ko sa Olongapo. Haha. Sige na nga, tutal nasimulan ko naman na sa first day, tapusin ko na.

Hapon na nang magsimula kaming maggala. At yung ukay-ukay ang napag-interesan namin. Para ngang mas marami pa yung mga ganong tindahan kesa sa tiangge. Nakakainis nga lang, hindi ako nakabili ng hood. Walang size na tama sa 'ken, lahat malalaki. Hayup talaga. Ayun, wala naman akong nabili. May gusto akong bag pero 9k ang halaga. Ukay-ukay na yan ha.

Sunod, sa Burnham Park. Tama ba yung spelling? Pero kahit mali ang spelling, care ko? XD Makapal ang mukha ko kaya ako ang nagboluntaryong mag-sagwan kahit mahirap. Sayang din yung opportunity! Nadaig ko pa yung ibang lalake na nag-arkila pa ng magsasagwan para sa kanila. Haha. XD

Sunod, SM Baguio na naman. Naadik na naman ako sa chicharon! Octoberfest pala nung Sabado don at nandun daw yung Sugarfree pero para wala lang, hindi ko sila idol eh.

Sunod, foodtrip! Lakad-lakad lang sa Session Road hanggang sa pagsakay namin ng taxi, nagkakayayaang kumain muna ng kwek-kwek tsaka nung mami factor na P12.00 lang isa. Mas masarap yung kwek-kwek ng Olongapo kesa Baguio!

Nakita ko pala dun yung pokla kong kaklase nung hayskul na ngayo'y mas malandi na sa ken. XD

3rd day.

Haba'y sa Grotto of Lourdes naman kami pumunta. Naka-chikahan pa namin yung driver ng taxi, ang daming inooffer na packages, parang field trip. XD Hayun, ang lamig don lalo na sa tuktok. Malamang, nasa pinakatuktok yung grotto. Puro pictures. (Nasa account ko sa Multiply lahat; for contacts only)

Sunod, namalengke epek. Hayun, parang naalala ko yung mga panahong kasama kong namamalengke yung nanay ko.. okay. Tama na. Hangsaya, lahat ng tao parang hindi napapagod. XD

Sunod, sa Mine's View. Hanu ba, Mine's o Mines'? Hang-hengot ko talaga. Ayun, puro souvenirs epek. Parang kahit san ka lumingon, may makikita kang bilihan ng souvenirs. Buti na lang, napagkasya ko yung P20.00 para sa apat na keychain na lapis. Hindi ako sumakay pala sa kabayo, natatakot ako eh. Baka biglang tumakbo, hengot pa naman ako.

Sunod, sa Baguio Cathedral. Ang bongga kasi may tv pa sa labas. Hindi na kami pumasok dahil matao, hindi na kami kasya. Ayun, parang Simbang Gabi lang. Ang lamigggg!

Sunod, sa wagwagan. Haha. Nakakatawa. Tig-lilimang piso lang yung mga damit. Dun lang ako nakakita ng ganon. XD Yun nga lang, mga naka-ilang gamit na pagsuot nung damit. Tsaka, kelan mo pang maghalukay. Malas kung natipuan mong damit e galing sa chuging na. XD

Sunod, sa bahay. Hindi ako makatulog kaya text lang ako nang text. Pero, pinagalitan na ko nun nung mommy ko kaya no choice. 5am nang lumisan kami ng Baguio.

Tama ba? Lumisan? Okei. The end.

Monday, October 15, 2007 @ 8:02 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!