YCostume!
Dahil malapit nang matapos ang October, malapit na rin kaming mag-Trick or Treat! Ang problema, hindi ko alam kung anong susuotin ko. Kung school-girl effect ba, gothic-style o pang-70's/60's/50's.
Naguguluhan na talaga ako. Kanina pa kong umaga nag-iisip kung anong magandang suotin. Ayokong magmukhang nakakatakot, gusto ko cute. At dahil sa sobrang kapraningan ko, nanood ako ng classic movie sa bahay kanina, nagbabaka-sakaling fashionista na yung mga babae noon, particularly in the year 1952.
At yon, Singing in the Rain yung title ng palabas. Sa sobrang ganda, hindi ko na napansin yung mga suot nung babae. Tawa na lang ako nang tawa sa palabas. Masyado akong na-amazed sa mga dancing skills nila. XD
Oo, balik sa costume. Naguguluhan na talaga ako, wala pa rin akong Jack O' Lantern, wala pa rin akong battery para sa camera na gagamitin at wala pa kong stockings na black!

Pano ko gagayahin yan? Kulang na lang talaga yung stockings.
Sunday, October 28, 2007
@ 9:11 PM