YGame na!
H'wag niyo na kong pautangin dahil nakabili na yung kapatid ko ng Season 3 ng Prison Break, bonggang-bongga. Makikita ko naman si Michael Scofield, my love ♥. Hindi siya pokla, siguro naiinggit lang yung mga paparazzi sa kanya dahil siya pogi, sila hindi. Hahaha.
Ayan, sa tingin ko.. kelangan kong umattend ng misa bukas. Hindi ko alam kung nagiging makasalanan na ba ko o ano, basta sunod-sunod na yung mga bonggang-bonggang problemang dumarating sa ken. Ayoko na, nakakatamad na. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Ano nga ba? Ayoko namang isa-isahin. Hindi ko na mabilang kung anu-ano yung mga yon. Yung mga hindi naman dapat problemahin, pinoproblema ko pa. Bakit ganito ko?
Kelangan kong makalimot. Hindi pwedeng hindi ako makakasama sa out-of-town ngayong week. Kelangan ko na talagang makalimot.
Pero, hindi ko pa rin malimutan yung joke na sinabi sa ken kagabi. Hindi raw joke yon, pero nakaka-anong maniwala. Ang saya ko nung narinig ko yon. Sa lahat ng naging girlfriend niya, akong pinakamasaya. Kahit joke lang yun, nakakatuwa pa rin. Joke nga ba o ano? Ano ba talaga?
Pag nabasa mo to, h'wag mo kong tatanungin tungkol dito. H'wag mo rin akong aasarin. XD
Saturday, October 20, 2007
@ 9:54 PM