YGusto kong maging Journalist.
Nakapag-online ako, wala namang nagbabantay eh. Wala si ina. Pero, kelangan kong bilisan dahil baka parating na rin sila.
TEST KO NA BUKAS! Salamat kay Mary Joy, yung isang Mary Joy at kay Pinky sa pagrereview sa ken kanina. Sa pagtitiyaga nilang turuan ako kahit na ako, text pa nang text at daldal pa nang daldal. Hindi ko mapigilan eh, ang dami nilang chismis at ang dami ko ring gustong ichismax. XD
Buti pa sila, may section na. Ako, wala pa. Ponyemas na Chemistry kasi eh. Sana Block B ako! Nandun si Abe ♥ at gusto ko siyang maging classmate.
Natuwa ako kanina dahil sa sinabi sa ken ng kaklase ko habang kausap nila si mommy. Binibigyan niya na ko ng freedom na mamili kung anong gusto ko at kung saan ko gustong mag-aral. Napapansin na nilang nahihirapan ako sa course ko kasi ayoko talaga non. Nakakatuwa! Parang ayoko nang mag-Nursing. Dati, ayos na ko sa course na napili ko pero nung nakita ko yung mga grades ko, nawalan na ko ng gana. Napag-isip-isip ko na parang hindi talaga ako bagay sa ganitong course. Napaisip din ako na hindi ko naman magagamit yung hidden talent ko sa Nursing.
Magsusulat ba ko dun ng poems? Gagawa ba ko ng features at editorial pieces don? May essay-writing ba don? WALA. Hindi ko ma-imagine yung sarili kong kumukuha ng dugo dahil naririnig ko palang yung salitang injection, nanghihina na ko. Mahina ako sa measurements and all, pano ko pa kaya mabubuhay yung pasyente ko kun ganon ako ka-tanga?
Nakapanood ako ng movie kanina at masyado akong nakakarelate. Ginagawa niya lang yung isang bagay na gusto ng magulang niya kahit iba yung hilig niya. Gusto niyang maging dancer, hindi boxer. Ako, gusto kong maging journalist, hindi nurse.
Ngayong okei na ang lahat, may chance akong makalipat sa kung ano talagang gusto ko.
Follow your heart, bitch. (;
Thursday, October 25, 2007
@ 5:08 PM