YReunion?
Dahil 70th birthday ng lola ni Glynn, nagkaron ng maliit na reunion ang IV-Justice sa mansyon nila. XD Walo lang kami pero sulit naman, nagkita-kita ang makukulit na mga estudyante ni Ma'am Ecalnir dati. Tae, nakakamiss. Walang nangyari kundi puro chikahan, chikahan at chikahan. Kainan pa pala, walang katapusang kainan. Si Jayson na super chikadora, parang naka-energizer na battery dahil walang tigil ang pagsasalita. Ang topic? Mga hanep na kopyahan sa UE, Columban at sa Gordon College. Syempre, nandon ako eh. XD
Na-miss ko rin ang pagtambay don. Tuwing nandon ako, ang dami kong naaalala. Hayup, di ko man lang nasulit yung oras na nandon ako. Naglaro lang kami ng chess ni Ashain pero di tinapos dahil nakakatamad na. XD Hindi ako kuntento sa nangyari kanina.
Gusto kong bumalik sa 4th year high school! Masaya eh, walang nakakahadlang. Weh, tama na nga.
Nasimulan ko nang panoorin yung Prison Break pero 1-6 episodes lang. Nakakabitin. Sinasaktan nila si Michael Scofield.
Sapakan na lang. XD
Sunday, October 21, 2007
@ 10:57 PM