YB-day ni Pinky.
Napapadalas na naman ang pag-oonline ko.
9am sa school. Pero, dumating ako 9:30. Nakabihis na ko't lahat pero tinatamad pa kong lumabas ng bahay. Na-check-op pa ko, tama. Hindi ko na tuloy nareplyan yung mga importanteng tao na naghihintay sa ken sa school.
Pero, hindi na importante yon. Pumunta lang naman kami ng school dahil dun ang meeting place ng gala namin. BIRTHDAY NI PINKY, 17TH BIRTHDAY. Mas matanda pa sa ken pero ako mas mukhang matanda dahil siya, maliit. Ako naman mas matangkad. Hahahaha.
First stop, Traders. Ang kapal ng mukha kong bumalik dahil doon ako, for the first time, nakasira ng sinusukat na damit. Nasa previous entry ko yon pero hindi na mahalaga yon. Ang mahalaga, yung kaarawan ni Pinky na katabi ko ngayon, mukhang busy sa pagtatype ng project.
Sunod, lunch sa Coco Lime. Para kaming mga pulubi dahil iisa lang sa 'min yung may dalang malaking halaga ng pera. Pero, hindi na yun utang. Libre yun ni Pinky. Malamang, kaarawan niya nga eh. Pinagtiyagaan na lang namin yung isang order ng Sizzling Chicken Sisig at Grilled Squid. Dun na lang kami bumawi sa bottomless iced tea na hindi ko na matandaan kung naka-ilang baso ako. May free cake rin pala, c/o of Breadtime.
Last, sa Triangle. May nirereto sa kin yung kaibigan ko na matagal nang gustong makipag-meet. Nabulagan yata siya sa ken at hindi ko maintindihan kung bakit pareho kami ng suot na damit. Parehong plain na yellow shirt. NAKAKAGULAT. Hindi naman kami nag-usap. Pakana siguro 'to ni Irene. :D
Hindi ko alam kung paano mag-approach ng bagong kakilala. Huwag ko raw tarayan pero feeling ko, natarayan ko nung una. EMO siya, EMO. Buhok pa lang, EMO na.
Yun nga lang, hindi siya chinito.
Haaaaaay.
Saturday, November 10, 2007
@ 4:10 PM