YWala akong maisip na title.
Walang Biochem kanina, wala si Ma'am Mose. Pero, may Filipino pero walang recitation. Mabuti. Nagklase sa Sociology. 9/15 ang score, si Abe, 10. Yata. Akala ko, magrereport na ko. Kinakabahan ako buong period. Wala akong pinrepare na visual aids. Kabado pa naman ako. Lintek. Ayokong magreport sa Wednesday. Ang hirap talagang maging estudyante. Bukas, may iinjection-an para sa experiment. Sana, hindi ako. Pag ako yon, baka dalhin lang ako sa clinic at ihiga dun sa matigas na kama. Bakit nasingit yon dito? Anyways, 11:30 ang uwian pero pinauwi kami ng maaga. Sa loob ng jeep, puro taga St. Jo. Yung isa, sobrang ingay. Nakakairita. Mukha siyang tibo na ewan. Puro mura pinagsasabi niya. Nakakahiya. Estudyante pa naman ng St. Jo. Parang gusto ko siyang sapakin kahit na yung upo ko dun sa jeep, pahinhin effect. Pagdating sa bahay, gumawa ng assignment. Sumakit kamay ko. 3:00 ang next class. Pero, wala na namang titser. Ano ba yan. Kinausap ako ni Abe. Ano raw ilalagay dun sa index card na pinapapasa. Nakatingin siya nung uwian. Yey. Pag ba nakangiti yung crush mo habang inaasar ka sa kanya, anong ibig sabihin non? Pakisagot. Uuwi na ko. Nagagalit na si ina. Bye.
Monday, November 19, 2007
@ 6:43 PM