<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YYey!

Aw, ngayon na lang ulit ako nakapag-update. Sayang. Napakaimportanteng araw kahapon. Sa kasaamang palad, hindi ko maalala lahat ng nangyari. Kung ano na lang maitype ko dati, yun na lang.

NOVEMBER 13.

English Time. Ayoko talaga ng tinatawag ako ng titser para sa recitation lalu pa't nasa pinakalikod ako nakaupo. Kaya nga dun na lang ako umupo para hindi ako matawag eh. Kaso, natatandaan niya yung isang Gail. Bakit ba kasi Gail pa yung second name ko? Sa bagay, napakadali lang naman ng tinanong sa ken. Kung ano yung Synonym, Homonym at Antonym with examples. Medyo sumablay ako sa pagbibigay ng halimbawa dahil kinakabahan talaga ako. At dahil don, imbis na sabihin kong opposite words yung Antonym, nasabi ko e dissimilar. Nakakahiya, lalo na kay Abe.

Speaking of which, kahapon ako unang kinausap ng pinakamamahal kong crush. Mungewan. Tinanong niya lang kung anong pangalan ko. Last week pa kami pumapasok sa iisang room at tampulan ako ng pang-aasar sa kanya, hindi niya pa ko kilala? Parang invisible lang pala ako dun sa room last week. Well, at least.. alam niya nang nag-eexist ako. Nakakainlab siya, bwisit. Ayoko na ngang mainlab ulit eh. Ang tali-talino niya, napaka-gentleman niya. Tinulungan niya pa kong buhatin yung upuan ko. Awwww. Simpleng bagay, pero natutuwa na ko.

BiochemLab. Che! Ayoko nang maalala to.


Kanina..

Nakausap ko ulit siya. Hindi private talk, tinanong lang ako kung bayad na ko sa photocopy sa Biochem. Lintek na yan. Natatame ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Inisip ko kung may inabot akong bayad sa iba kong kaklase dahil ayokong magkamali, ayokong magsinungaling sa kanya. Isipin non, tokis ako. Kaya sinabi ko na lang na "hindi pa." Nilibre na lang muna niya ako ng P2.00 dahil wala siyang barya. At nahawakan ko na rin yung 1/8 ng palad niya. Syempre, nung inabot ko yung bayad. Ahaha. Kaya ngayon, may dos pa siya sa ken na hanggang ngayon, hindi ko pa nababayaran dahil hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang hindi ako nagmumukhang-ewan. Hindi ko alam kung paano.

Okei, ang OA. Sorry, guys. Dito ko na lang nilalabas yung kaligayahan ko. <33 Ayokong makalimutan 'tong araw na to. Kahit na gusto ko nang mamatay habang nasa laboratory kami kahapon, nabubuhayan ako dahil hindi ko malimutan yung sumilip siya don ng ilang segundo habang nag-eexperiment kami ng Dialysis.

At ngayon, may issue na naman tungkol sa kanya na ako raw yung nagsimula. HOY. Bakit naman ako gagawa ng issue tungkol sa kanya? hindi ako nagkalat non, si Pinky! Si Pinky!

Si Pinky na naiinis na sa ken dahil wala na kong binanggit kundi "Miss ko na si Abe."

JUST CAN'T HELP IT. Papasok na naman bukas, makikita ko na naman siya. Yey! :)
Wednesday, November 14, 2007 @ 5:26 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!