<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YChristmas in our ♥s.

I so love NSTP na.

Akala ko, magiging boring yung NSTP namin ngayon pero ang nangyari, kabaligtaran. NAPAKAunforgettable. 9:00, pumunt kami sa Missionaries of Charity. Yung mga madre, nakasuot nung parang suot ni Mother Theresa, may mga bata, matatanda na nawalan na ng pamilya. Sila yung beneficiary ng gagawin naming fund raising. Nung una, nakakatakot dahil hindi mo alam kung anong magiging reaksyon nung bata lalo na nung matatanda. Pero, nung umakyat kami dun sa 2nd floor na puro mga 1 year old pataas, parang nag-enjoy na rin kami. I miss Baby Ray na super kapit sa bawat kakarga sa kanya. Si Baby Justin na super mataray na ayaw magpahawak or magpakarga man lang. Yung iba, binibisita nung mga mommy nila so, yon. Bumili ako ng gift kay Justin para sa pagbalik namin don, hindi na siya masungit.


Next, yung sa mga matatanda na. Ito na yung pinakakinakatakutan ko dahil baka tarayan lang kami or saktan dahil nga, nasa edad na sila, tapos. Understood na yon! Pero nung pumasok kami dun sa room, they're so bait. Sila pa yung unang nang-aapproach sa amin tapos sabay ngiti. Ang sarap ng feeling! Nakakaawa nga lang dahil wala na silang pamilya, sila-sila na lang yung mga magkakasama don. Si Lola Beatrice yung na-interview ko don and she's 88 years old na. Hindi raw alam nung mga anak niya na nasa charity siya kaya walang dumadalaw sa kanya. Kaya nagplano akong bumili ng gift sa kanya pero hindi ko alam kung anong ibibigay ko.

Sa December 22, babalik kami para magbigay ng regalo or kung suswertehin sa fund raising, baka gumawa ng programme. Gosh, na-eenjoy ko ang Pasko ngayon.


Pero, hindi pa dyan nagtatapos ang lahat. Masyado naming kinakarir yung NSTP namin kaya nag-carolling kami kanina sa mga bahay-bahay. Ang sasakyan, c/o ng tatay at nanay ko. At sumama pa nga sila sa carolling so bantay-sarado ako. Nakakahiya pero, kering-keri naman. Naka-P1000 yata kami, all in all? Don't know. Basta, nasaulo ko na yung kantang Christmas in our Hearts dahil yun at yun lang naman ang kinakanta.

Hahaha. Merry Christmas! I won't forget this day TALAGA.
Saturday, December 8, 2007 @ 10:24 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!