YDecember O1
December na. At dahil December O1 ngayon, birthday ng kapatid ko.
Yuck, he's like 20 years old na. Dati-rati, nagbabangayan lang kami sa bahay, nagsusuntukan, nagbabatuhan ng remote sa sala, nagsasagutan pero ngayon.. ganon pa rin. Hahaha. Ang bilis talaga ng panahon. Nakakadiring isipin pero nakakamiss din yung mga kagaguhan namin dati. Para raw kaming aso't pusa kung mag-away. Naalala ko pa nung sinabihan kaming ganon, sumagot pa ko ng "Ako yung pusa, siya yung aso." Iba na talaga ang nagagawa/nasasabi kapag wala pang kamuwang-muwang.
Kahit sobrang naiirita ako kapag tinatanong niya kung sino yung artista sa TV pag nanonood kami sa sala, kahit na sinisigawan niya ko kapag may nabubuhos akong sabaw sa lamesa kapag kumakain kami, kahit na tuwing tinetext niya ko at dun sa text na yon, may kasamang mura. At kahit na naiinis siya sa ken kapag naglalaro siya ng RF tapos ako, nagdodownload ng kanta tapos biglang nag-lag yung laro niya, kapatid ko pa rin yon at nakakadiri mang tanggapin, mahal ko yong hayop na yon.
Kahit na super tanda na namin, hindi pa rin magbabago na ganito kami mag-usap: (click mo kung gusto mo)

Saturday, December 1, 2007
@ 12:21 PM