YLast post
Ito na yung last post ko para sa 2007. Magkukwento na lang ulit ako. Tutal naman, mukha akong kwento.
Happy Fiesta! Kahapon. Sa pinakamamahal naming lungsod ng Olongapo. Na inulan naman, malas! Pero, wala kaming balak na makilakad sa parada, nagpunta lang kami sa MV Doulos. Yung barkong punong-puno ng libro. 7/8 years old yata ako nung huli kong punta dun at natatandaan ko pa yung mga binili namin don: coloring books tsaka yung libro na puro Barbie yung laman. Pero ngayon, wala kaming nabili. Mas feel na naming magbasa ng mga librong sinulat nina Sidney Sheldon at tsaka ni Bob Ong. Enjoy sa loob ng barko. Ang init nga lang. Tapos, sumabay pa yung ulan. At wala pa talaga kaming payong kaya paglabas namin, mga basang sisiw. Enjoy nung paakyat sa barko! Parang umaakyat ka sa bundok. Tawa na naman ako nang tawa. x]
Kumain sa Meat Plus after. Mahal ko na yung Potato Skins! Pumunta sa National Bookstore. Bumili ng libro ni Bob Ong, panregalo kay Bestfriend Dana. Naggrocery sa Happy Valley kasama si Dexter, dakilang kargador dahil sa pagbitbit nung mga binili ko. Salamat!
Happy B-day pala kay Papa Glynn kahapon. Aasahan kita sa kaarawan ko. Alam ko namang hindi mo 'to mababasa eh. Pero, tingnan ko lang kung sisipot ka sa handaan ko, KUNG MERON MAN.
Happy New Year na lang sa inyo. Sa mga itlog na feel ko, si Jessica lang ang makakabasa. Sa mga naging online buddies ko ngayong taon, salamat. Sa mga laging dumadaan sa blog ko, APINUYIR. At sa lahat ng mga taong walang-sawang sumusuporta sa ken, thank you, thank you! (Feeling artista) I Heart You, Guys!
HAPPY NEW YEAR. x]
Monday, December 31, 2007
@ 12:21 PM