YPregnant?
Hindi ko ma-imagine na yung dating kaibigan ko, pregnant.
Dahil mabilis kumalat yung chismis, nalaman ko agad na ganon yung kinahinatnan niya. Oo, hindi lahat ng chismis e totoo pero this time, totoong-totoo na to. Ayokong maniwala nung una na kahit kapani-paniwala naman ayon sa iba, pero hello? Kaibigan ko, buntis? Hindi ko talaga ma-imagine.
Hindi man lang niya naisip kung anong pwedeng mangyari sa kanya lalo na dun sa pamilya niya. Ganon na ba talaga ngayon? Masyado nang liberal yung mga kabataan? Oo, kasama ko don. At syempre, ikaw. Kung feeling mo, isa ka rin sa mga kabataan.
Naaasar lang talaga ako dun sa mga babaeng mukhang boypren. Kaya naman nilang makipagrelasyon nang walang halong ka-cheber-an, diba? Sobrang pagmamahal naman na yata yun kung hinaluan pa nila ng ganon.
Buti na lang talaga, single ako. Unless na lang kung may magtangka. Aba'y nagkakamali ka. :))
Wednesday, December 5, 2007
@ 5:39 PM