<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YBakasyon sa Manila

Last January 5, lumuwas kami ng kuya ko kasama yung dalawa naming pinsan sa Manila. Ang totoo niyan, sabit lang talaga ako. Hindi ko kasi ineexpect na papayagan akong lumuwas ng mga magulang ko nang hindi sila kasama. Medyo natagalan yung pag-iimpake ko dahil ayaw na ayaw kong ginagawa yon. Nakaka-pressure kasi masyado, para sa ken. Nakakatamad din.

Sumakay kami ng Victory Liner at salamat sa Diyos, nilibre ako ng pamasahe ng kapatid ko. Ang bagal nung bus kaya nakarating kami sa Manila mga 1PM or 2PM na. Ewan. First time kong nadaanan yung Araneta. Tamang-tama, Big Night yun ng PBB. Nag-aya akong manood pero tinanggihan nila ako. Mas gusto nilang magparty kesa makipagsiksikan dun. Oh well, papel. Nakarating kami sa Sta. Lucia Mall. Dun na rin kami makipag-meet sa may-ari nung tutuluyan namin ng dalawang araw, si Jayjay. Siya yung bongga kong pinsan.

Ayun, ikot-ikot sa mall. Napabili ako ng damit nang wala sa oras. Wala naman kasi akong dalang matinong damit kaya napabili na rin ako. Yun yung gagamitin ko sa gimik later on. XD Pagdating sa bahay, hyper pa rin. Lalo na si Yuna, yung bi-eyed na alaga ni Jayjay. Namimiss ko sila ni Hewey. Bwisit na mga aso yon. Grr.

12:00AM, diretso sa Tomas Romato. Naghanap ng bar na pagggimikan. WOW. Ang ganda dun, super. Ang daming mapupuntahan. Pero, dumiretso na lang kami sa Industry Bar. Bongga yung lugar na yon kahit maliit, enjoy. Nakakainis lang yung ayaw magpahiram ng table. Grr. 4:00AM ata, umuwi na rin kami. Ayun, first time kong matulog na ang katabi sa kama ay dalawang aso.

The next day, gabi na kami nakagora dahil mga puyat-puyat. Nagdinner sa Max's at tumambay sa Papajek's sa Marikina River Bank. Ayos! Lalo na yung bandang tumutugtog nung time na yon. Inaantok na ko non kaya medyo wala rin ako sa mood.
I missed my first two classes nung January 7 dahil nasa bus ako nun panigurado habang nagdidiscuss yung mga
instructors namin sa harapan ng klase. Yata. Kung nagdidiscuss nga siya o ano. Haha! Ayun, yun lang.

Lumuwas lang kami ng Manila para gumimik. The best talaga! Ouch, lapit na birthday ko. Tinatamad na kong mag-17. Ching!

Two days na lang. Two days na lang talaga. Ay, hindi pala. Just do the Math. Ayoko nang nagcocompute. Lalo na ng araw.
Tuesday, January 8, 2008 @ 8:46 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!