YField Trip
Okei. Medyo tinatamad na kong mag-blog. Aww, no. Pero, sige. Kahit marami pa kong dapat asikasuhin, magpopost muna ako.
January 18, 2008 -- Pinakamasayang araw ngayong 2OO8. SO FAR. Dahil hindi ako masyadong excited, 2:30 pa lang nasa school na ko. Kahit 4AM pa mag-aalisan yung bus. Pero, dahil nga hindi naman natutupad yung mga ganong pagpaplano ng oras, nakaalis yata kami ng Olongapo ilang minuto bago mag ala-singko. Galing, noh? Pero, in fairness. Mabilis yung bus. Sa simula.
Yung mga pinuntahan namin: Barasoain Church sa Bulacan, sa bahay nila Aguinaldo, sa bahay nila Rizal tsaka sa MoA. Meron kaming dalawang lugar na hindi napuntahan dahil eksena yung bus. Niligaw pa kami sa Cavite. At ayaw niya pang magbukas ng TV. Mukhang manhid siya dahil hindi siya tinatablan nung mga "parinig-epek" namin. Hindi tuloy namin napanood yung Wowowee.
Sa loob ng bus. kung hindi kakain, matutulog. Kung hindi matutulog, dadaldal. Kung hindi dadaldal, magpipicturan. Kung hindi magpipicturan, mag-iingay. At kung hindi mag-iingay, boring. Kaya pasensya na dun sa mga tulog nang tulog dyan, hindi lang talaga namin mapigilan yung kaingayan namin. Diba, Mary Joy? c:
Masyado kaming nagliwaliw sa bahay nila Aguinaldo. Masyado naman kaming nagmadaling maglibot sa bahay ni Rizal dahil lahat kami, nagmumukha nang MoA. Isang beses pa lang ako nakapunta don and soo bitin. Kaya nung nagfield-trip, nangarap akong libutin yung buong mall pero nabigo lang ako. Dalawang oras, hello?
Oh, yea! Nakita ko yung pinakamamahal kong Bench Model na si Carlo Guevara! Destined talaga na makita ko siya. Ang kapal, hayaan niyo na ko. Hahaha. Kakagaling lang namin nun sa tindahan ng Bench tapos tinitigan ko pa yung litrato niya. Tapos, tapos.. makikita ko pa siya ng personal. Kung sinuswerte nga naman. Hanggwapo niya, err. Nagka-eye-contact pa kami, hindi ko mapigilang hindi siya titigan eh. Mahal ko na siya. ♥ Haha, ayos!
Pictures sa Multiply. Pero, log-in ka muna bago mo tingnan. X)
Sunday, January 20, 2008
@ 9:34 PM