Ngayong araw..
-- Nagkulong lang ako sa kwarto ng magulang ko buong umaga. Nasa harapan ko na yung mga handouts ko para makapagreview sa Biochemistry pero natukso lang ako ng iPod kaya di na ako nakareview.
-- Dahil 4/10 lang ako sa quiz namin sa Anatomy kahapon, binigyan ako ng chance ni Doc para madagdagan daw ng 2 pts. yung score ko. Hindi ko nasagot yung unang tanong. Sinabi na kasing ayoko ng mga surprised recitations eh, kinakabahan lang ako.
-- Pero, nasagot ko yung pangalawang tanong. Nasagot ba o nagawa? Pumunta lang ako sa harapan nung tinawag niya ko. Nung sinabi niyang idemonstrate sa klase yung "adbucted upper extrimities, everted (nakalimutan ko yung word)," ayun, nagawa ko naman. Yun yon eh! Di ako pinangunahan ng kaba. +2 na ko!
-- Pagkatapos ng klase, dumiretso muna kami dun sa park sa tapat ng school namin dahil 7:00PM pa yung next class namin. Hindi ako tinantanan nung resident titser-titseran namin na may sayad dahil hindi niya makalimutan yung ginawa naming pang-iisnab sa kanya kahapon. Dahil sa ken, kinamuhian niya na yung school kung saan ako nag-higschool.
-- Sinundo muna ako ni ina sa school para kumain. Parang elementary lang, neh? Lumafang sa Red Ribbon. Hindi ako masyadong kuntento sa Lasagna. Mas gusto ko yung Lasagna ng Greenwich. Pero, the best yung Banafee Pie. <3-- Ayun, klase ulit sa Biochemistry. May nagpatay lang nung ilaw sa
room na pinasukan namin, tilian na lahat. Pero, hindi ako kasama don. Tumawa lang ako non.
-- Hindi pa rin ako tinantanan nung baliw na yon. Pero, bati na raw kami nung nakita niya ko. At gusto pa ngang ihatid ako sa sakayan.
KAMUSTA NAMAN YON?-- Nakausap si Mikhail through YM. Mik na lang nga.
I prefer calling him Mik eh. Aww. He made me feel better!
Boys talaga, ang galing-galing magbigay ng advice!Pero, minsan. Nakakaasar sila. c:
Paalam.