YPoor Mommy.
Mom's sick. Awts.
Dinala siya kaninang hapon sa hospital dahil mukhang hindi niya na kayang mag-stay sa bahay. Habang kumakain ako sa kusina tapos siya, nasa sala, parang naiiyak ako pag naririnig kong nahihirapan siya. Hindi na rin ma-take ng tatay ko so nagdecide na kaming dalhin siya sa hospital.
On the way papuntang hospital, iniisip ko kung magiging malala ba yung sakit niya o hindi. Ang resulta, na-confine siya sa ospital at kelangang mag-stay dun ng isang araw. Kapag hindi pa siya gumaling, mag-iistay pa siya 'don ng ilang araw hanggang maging okei siya.
-- Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang maging nurse. Habang pinapanood kong tinutusok na yung maliit na karayom sa ugat nung mommy ko, nanghihina ako. Waaa. Graduate pala sa school ko ngayon yung nurse na nagduduty sa ER. Wala lang, gusto ko lang i-share.
Nagkita rin pala kami sa ospital nung instructor ko sa Sociology. Unting chikahan, ayun. Share ko lang ulit.
Ayun, bahala na. Malalaman daw bukas kung anong magiging desisyon sa case ng mommy ko. Sana maging okei siya. Sana lang.
Yung tatay ko ngayon ang nasa ospital kasama ng mommy ko. I'll try to visit her tomorrow. WTH? Of course, I will.
x_x
Saturday, February 16, 2008
@ 10:46 PM