Ayan, kasalukuyan kong ginagawa 'yung assignment ni Dexter dahil feeling ko, tapos ko nang gawin lahat ng requirements ko. So, taga-gawa na lang ako ng project ng iba ngayon. Review na lang para next week. Finals na ito!
Nakakatamad 'tong buong araw na 'to dahil wala masyadong pinagkakaabalahan. Akala namin, matutuloy yung dulaan para sa Filipino pero ang nangyari, nakinig na lang kami sa demo nung mga 2nd year BSN students tungkol sa Dengue tsaka STD. In fairness, medyo cute 'yung isang nagdiscuss sa harapan kaya lang parang wala lang. Wala pang 5 minutes, tinamad na siyang magsalita.
Turn-off.After non, pasahan ng
html codes. Thank God, tapos na! Ayun, ang saya ko. Sariling sikap ang ginawa ko, sana makakuha ng mataas. Sana lang. Kelangan kong mapasa lahat ng subjects ko eh.
Ayan, uwian na agad. Nakakatamad, noh? Parang wala lang talaga. Nakinood na lang kami ng performance ng Block A sa PE nila.
Ballroom Dancing din. Ayun, nandun si
Banana. Sana mabasa kahit color yellow ang font.
First time niya kong kinausap:
Banana: (Mukhang may hinahanap)
Ako: (Nakaupo sa labas ng room kung nasan nagsilabasan lahat ng mga kaklase niya)
Banana: Nakita niyo si Marvic?
Ako: (Nakayuko, naghihintay na sagutin siya ng mga kasama ko pero mukhang wala silang balak magsalita)
Banana: (Naghihintay ng sagot)
Ako: (Tumingala ng onti habang naka-smile, yung smile na nahihiya dahil kaharap mo crush mo) "Umaaleeeees."
Banana: (Naka-smile rin na parang nahihiya)
Feeling close yata kami sa isa't-isa. Hahaha. X)
Ang kulit niyang sumayaw kanina. Hihi. Sana ako na lang partner niya. Eh di sana, pareho kaming tawa nang tawa nang tawa habang sumasayaw.
<33