Pero bago yun, update muna sa grades ko. Parang nararamdaman ko na mapapasa ko lahat ng subjects ko. Yung mga iniisip ko na mukhang tatagilid ako eh mukhang napasa ko naman. Wala yung pangalan ko sa Conditional Failure/Failed Students sa Biochemistry at wala yata yung pangalan ko sa mga estudyanteng tumagilid sa Sociology. Excited na kong makita lahat ng grades ko, tapos ipagyayabang ko sa nanay ko.
Kaya lang, ayoko masyadong mag-expect. Baka ma-disappoint lang ako. Bahala na sa Monday.
Reunion na.
19 lang yata pumunta sa Grass Hut ba yun, basta dun. After kong magpa-clearance, sumunod kami ni Chrisanto dun. Nakalimutan kong sabihin na reunion pala 'to ng mga 4-Justice dati. Highschool friends. Ganun pa rin naman. Haha. Ganon pa rin kagulo, walang pagbabago. Kaya lang, iilan lang yung nakausap ko. Feeling ko, hindi ko pa close yung iba kahit gumraduate na kami ng highschool. SO GULO.
Next, reunion ng Wild Boys, bagong name ng POTE? Pakana ni Therese! Out of 15, 9 lang yung pumunta.
Chay, Chay. San ka na ba? Mukhang nagbabakasyon ka na sa labas ng Pilipinas.
Dahil busog ako, pinakain ko kay Marian yung spaghetti ko. Tinutukan ko lang yung fried chicken. Tapos, unting chikahan. KELAN BA NAWALA YUNG CHISMIS. Tapos, diretso sa Mardigras. P30.00 na naman. Amp. Umutang muna ako ng P10.00 kay Joanne, wala nang budget eh.
Wala naman kaming nakitang mga kontrobersyal na tao. Lakad lang kami nang lakad. Tapos, may mga banda. Gusto ko yun! Galing-galing nila. Pero, hindi ko man lang nalaman kung anong name nung bandang yon. Growl kung growl.
After non, umuwi na ko. Grounded? Takot sa nanay eh. Haay, highschool life!
PS: Happy 18th Birthday kay Ryan. <3>