Signing of Clearance. Nakakabadtrip minsan 'to. Nung Lunes pa kami pabalik-balik sa school para magpapirma sa mga titser. Ang init-init pa sa school, dami pang tao. Err. Ang masaklap pa dun, pumunta ka na ng school. Dala mo na yung clearance mo pero malalaman mo na lang pagdating dun, BUKAS NA LANG.
Paano naman kaming mga estudyante? Sayang lang yung pamasahe, yung pagod. Sana sa susunod, kung ano yung binigay na schedule ng pirmahan ng clearance, yun na. Kawawa naman kasi kami eh.
Sorry Ma'am, Sir. Kung napadaan kayo rito sa blog ko. Ganunpaman, sa GC pa rin ako mag-aaral. Magsa-summer class pa nga ako eh. Sana mura lang yung tuition.
Sana sa pasukan.
- Bagong pintura na yung mga rooms, hindi nagbabakbak.
- Yung mga upuan, wala nang sulat-sulat.
- Dalian na lang yung mga exams para lahat masaya. Okay na yung 3.O
- Hindi swimming yung PE kasi hindi ako marunong lumangoy. Mababa ang grade.
- Naka-shuffle ulit yung pagpili ng block section.
- Kaklase ko pa rin siya. <3>