
Habang naghihintay sa may celebrant. Syempre, suprise party nga eh. May party hats epek pa. Hahaha. Aliw. Tsaka yung bandaritas. Tama ba? Shet, di ko alam yung tawag.

Ayon, lamon kung lamon. Ang handa? Pizza, ice cream, yung cake, tsaka ilang bote ng Coke/Sprite. May na-miss ba ko , Chay? Hahaha. Simpleng kainan lang naman. Dahil sa chismisan ka mabubusog nang sobra-sobra.
10PM, umuwi na kaming dalawa ni Jeannine. Mahirap na, baka ma-lock-an ng pinto. Joke lang. Sulit naman yung party! Yung gift? Dress c/o of Kashieca tsaka sapatos c/o of Celine. Talagang in-endorse. All in all, si Jessica ang nagplano ang lahat. Hahaha. Kung anong theme, pagkain tsaka yung ireregalo. So, yun. Pati yung mga pictures ngayon, sa kanya ko ninakaw. Hahaha.
Mukhang nag-enjoy naman ang lahat ng kagabi. Sana maulit uli yung ganitong klase ng party-slash-reunion.
14 girls na lang. O 13? Whatever.