Mamamatay na ko sa Physics. Naka-6/20 lang ako sa quiz kanina. Alam niyo yung feeling na tama yung formula mo pati yung sagot pero mali lang yung sign? Negative, nagawa mong positive. Parang joke lang. Nakakapang-init ng dugo. Finals na next week pero parang wala namang nangyayaring progreso sa pag-aaral ko. Lalo na sa Physics! Nakaka-distract pa yung teacher.
Pa-absent-absent pa kasi ako nung isang araw eh. Ang hirap tuloy makisabay. Mabuti na rin yung 6 kesa zero. Sa Finals na lang babawi. Diba, diba?
Hindi na rin pala ako nagpa-check-up kahapon. Umayaw yung nanay ko. Hahaha. Parang siya yung pasyente. Susubukan munang gamutin ng nakakakiliting gamot na yon yung nakakairita kong left ear para makatipid. So, hihintayin muna naming lumala. Chika!
Kaya kahapon, namalengke na lang kami ni Ate Cris para sa mangyayaring Cookfest sa Nutrition. Actually, hindi yun Cookfest. Gusto ko lang tawaging Cookfest. HAHA. Ang saya mamalengke. Lalo na pag umuulan. Puro talsik sa paa tsaka sa binti. Tamang-tama. Nung mga panahon na tapos na kaming mamalengke, hinahanap ako nung pinakamamahal kong bestfriend na si Dex. Nagkataong malapit lang siya sa palengke kaya pinuntahan niya ko. Kasama si Jayson na hindi naman talaga dapat nandito sa Pilipinas. Biglang sumulpot. Parang nasa States ka lang tapos ngayon, nasa Olongapo ka na. HAHA.
So, ayun. Libre ang dinner ko kagabi. Libre ang dinner namin ni Dex. Banana Split? :)