<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttp://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YCarbon Copy.

Nandito na ulit ako. Ang tagal ko na ring hindi nakapag-post ng bagong entry. Anyways, Happy Mothers' Day sa mga nanay niyo. Nabati niyo na ba sila? Ako, hindi pa. Basta, inabot ko lang yung cake habang naka-smile. Yun na. Alam niya na yon.

Ang weird pero nahihiya ako pag babatiin ko yung magulang ko ng kahit anong greeting. Parang nahihiya na kong mag-open-up sa kanila. Hahaha. Drama. Na-miss ko tuloy yung kabataan ko. Nung mga panahon na nayayakap ko si Mame, yung trip lang. Pero, ngayon. Wala na. Nadya-dyahe ako.

Happy Mother's Day to you, Mame. Haha. Nilalamig pa si Mame sa picture. Kuha yan sa Baguio, dun sa apartment. Ok. As I was saying, sorry kung maldita ako minsan. Kung sumusuway ako sa mga utos niyo minsan. Pag di ako kumikilos, pag pinapairal ko yung katamaran ko. Kapag naiinis ka sa min ni kuya. Sorry. Salamat sa pagtitiyaga niyo sa isang bugnuting katulad ko. Pero, nagsisikap naman ako eh. Di ba nga, tinalikuran ko yung ambisyon kong maging isang journalist para lang mag-take ng Nursing kahit ayoko. Salamat sa mga ano, sa baon. Hahaha. Kasama pa ba to. Salamat din sa pag-ga-guide sa ken lalo na nung mga panahon na feeling ko, pabagsak na ko. Alabyu, Mame. Kakaririn ko na yung pagiging Carbon Copy ko. Ang dami nang nagsasabing "kamukha mo mommy mo." Haha. Bwisit. Sana magustuhan niyo yung binigay naming Bannofee Pie kanina ni Kuya.

Nag-drama lang ako sa entry na to. Hahaha. Ok. Finals namin bukas sa NCM. Goodluck sa ken.

Sunday, May 11, 2008 @ 6:19 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!