Like I said before, a-absent ako ngayon sa klase ko sa Physics para magpa-check-up. May mali sa kaliwang tenga ko. Hindi naman ako nabibingi pero laging sumasakit. Nag-start yun nung nag-swimming kami nung March. Napasukan yata ng tubig nang bonggang-bongga. Ilang linggo akong parang bingi. Hindi ko lang pinapansin dahil nangyari naman na sa ken yung ganun dati. Inisip ko na mawawala rin yung pagka-bingi ko. Pero ngayong May, sumasakit na. Useless yung paggamit ng cotton buds kasi sabi nung prof namin dati sa Anatomy, hindi maganda kapag daily kang naglilinis ng tenga. At dahil makulit ako, araw-araw kong sinusundot ng cotton buds yung tenga ko. Last week ko pang nararamdaman yun pero natatakot akong sabihin sa nanay ko. Baka kasi ipa-injection eh. Hahaha. Paranoid. Dahil iyak ako nang iyak kahapon, tinawagan na ni kuya si mommy. And he was like, kelan ba ko huling nag-care sa yo?
At mamayang 3:00 PM, papa-check-up na ko. Honestly speaking, natatakot ako. Tanong ako nang tanong sa mga kaklase ko kanina kung anong gagawin, kung masakit o ano. Natatakot kasi akong pumunta sa ospital tapos ako yung pasyente. Kahit na ginawa ko nang pangalawang bahay yung St. Jude dati nung bata ako, hindi pa rin ako sanay sa environment ng ospital. Nursing student pa ko sa lagay na to.
Ayokong malaman kung anong meron at kung paano gagamutin yung tenga ko. Natatakot ako baka kalikutin nung doktor. MASAKIT YUN.