YGusto ko nito.
1. Tres sa Physics. Alam ko namang hanggang ilusyon ko na lang yung makakuha ng dos o uno sa Physics kaya okei na sa ken yung tres. JUSKO. Ayoko namang ulitin yang subject na yan ngayong sem. Madagdagan pa yung schedule ko.
2. Trip sa Baguio. Miss ko na yung Baguio! Ilang buwan na rin akong hindi nakakapunta don. Miss ko na yung Session Road, yung mga galaan don. Kaya sana. Sana. Matuloy kami ngayong week.
3. Gimik sa Manila. Dapat nung Sabado eh. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko tsaka sa finals namin, natuloy sana kaming lumuwas sa Manila. Bar na naman. Hinahanap-hanap ang.. Hmm.
4. CD ni David Archuleta. Wala pa ba? Hinihintay ko na. HAHA. Kaasar. Ang tagal-tagal. Kahit hindi ako mahilig sa Ballad. Para sa kanya, papakinggan ko yung mga ganong klaseng kanta.
5. Bagong host. Host ba tawag don? Haha. Wala lang. Gusto ko lang i-try gumawa ng blog sa ibang host. Okei naman sa ken yung Blogspot. Kaya lang, kaya lang. Gusto kong i-try. Pero, ang bobey ko naman pagdating sa mga ganon. Patulong naman. Thanks.
6. Bagong digicam. Ayoko sa lahat yung ganitong design. Sobrang CUTE. Parang nakakatakot hawakan. Anyways, gusto ko ng bagong digicam. Yung hindi na nilalagyan ng battery. Para naman ma-capture yung every moment tsaka para hindi naman mabulok yung Multiply ko.

7. Ibalik yung nakaraan. Hmm. Drama. Gusto ko lang bumalik sa dati. Nung highschool. Para itama yung nagawa kong mali. Yung time na nasa room ako nung 4th year kasama siya. Yung nagsusulatan kami na parang mga bata lang. Kaasar. Kung pwede lang. Kung pwede lang talaga. Babawiin ko yung sinulat ko sa kanya.
Goodnight.
Monday, May 26, 2008
@ 8:54 PM