YManok ko sa AI.
Dahil maghapong walang kuryente sa Olongapo kahapon (it rhymes), kanina ko lang napanood yung American Idol. Yung episode na matatanggal na si Syesha. Buti na lang, may replay-epek yung QTV. Kundi, wala na. HAHA. Nabighani na naman ako kay David Archuleta!
Ang bobey ko. Kasi dati, binibigkas ko ng ArKUleta yung last name niya. Kanina ko lang din nalaman na ArTSUleta pala yung tamang pronunciation. Ang cute niya. Natatawa lang ako kapag sumasayaw-sayaw siya habang kumakanta. HAHA. Parang joke lang. Na-hurt akesh nung nilalait-lait siya nung kaklase ko nung kinanta niya yung With You ni Chris Brown. Ginawa nga namang ballad. Pero, kahit na. Atlis, oo. Siya pa rin yung manok ko.
Well, goodluck sa inyong dalawa. David VS David. Bahala na kung sino manalo. Okei lang naman si David Cook. Kaso, parang trying-hard maging rockstar. Pero, in fairness. Nasa Top 25 Most Played ko sa iPod yung Always Be My Baby niya. Pero, si David A. talaga gusto ko eh. Hindi naman ako maka-boto. Bahala na yung mga fans niya sa States na bumoto sa kanya.
Sunday, May 18, 2008
@ 7:43 PM