YStress, Haggard, etc.
Sana nga matapos na ang Second Year.
SOBRANG HIRAP. Pangalawang linggo pa lang naming nagkaklase pero nafi-feel ko na yung pressure. Minsan tuloy, napapaisip na naman ako kung yung pagiging nurse yung Personal Legend ko. Nosebleed. Sa isang araw, iisang subject lang yung pinag-aaralan. Uupo ka nang limang oras habang nakikinig sa mga CI niyo tapos ang hair ko. Kamusta naman yung buhok kong malapit nang maging damaged hair dahil laging naka-hairnet at spraynet.
Kelangan ko nang mag-aral nang mag-aral dahil This is it! Duty na namin sa mga Health Center sa susunod na linggo. At parang hindi pa ko prepared. Kelangan ko pang i-recall yung mga tinuro sa min nung summer para hindi naman ako magmukhang-tungak sa harap ng mga magiging pasyente ko.
Goodbye muna sa Blogging. Halleur muna sa pag-aaral kahit napipilitan lang ako. HAHA. Hindi na ko laging makakapag-update. Pero, susubukan ko pa ring mag-update kapag wala na kaming masyadong ginagawa.

Sawing-sawi.
OFF.
Wednesday, June 18, 2008
@ 12:06 PM