8:00-8:15 ang time pero 7:40, nasa Health Center na ko. Sarado pa nga. Nandun na rin yung mga kasama kong magdu-duty pero wala si Ma'am. HAHA. Late si Ma'am. Kami lang yatang mga estudyante yung nae-excite mag-duty.
Pagdating sa loob, check muna ng mga gamit. Sablay naman yung BP Apparatus ko. Amp. Pabili nga, yung Baxtel ang tatak. Then, inassign na rin kami ni Ma'am kung saang section kami mapupunta. Sa BP Section ako kasama si Danica. Sablay na nga BP ko, nandun pa rin ako sa section na yon. HAHA.
Nung una, medyo nagkakahiyaan pa. Pero nung bandang huli, kami na yung sinalang sa BP Section. Ako yung unang nangunguha. SCARY. Ang hirap kuhanan nung mga Senior Citizen, ewan ko kung bakit. Masyado lang siguro akong kinakabahan. So far, so good naman. May isang pasyente lang naman ang medyo minalas dahil sumablay yung kuha ko. Nakakahiya.
Tapos yung bata. Naalala ko sa kanya yung kabataan ko. Yung nagwawala habang iinjection-an. HAHA. Mega-cry siya kanina. Ang cute pa naman niya. Hmm. Child Abuse.
Mamaya, lecture naman. TOXIC!