First day, parang wala lang.
Pagdating ko sa school, parang puro freshmen nakikita ko. Wala man lang ka-thrill-thrill. Parang dumaan lang ako sa school tapos tumambay. Parang JOKE lang yung first day. So, habang tinitingnan ko yung mga freshmen, inaalala ko yung mga panahon na bagong salang kami sa college life. Mga mulala, inosente at mga asal-higschool.
Gusto kong bumalik sa 1st year. Nakakamiss yung mga moment na yon. Pa-demure nung mga unang first week tapos paingayan na pagkatapos ng semester. Yung mga panlalait sa school tapos di mo aakalaing magugustuhan mong mag-aral don. Nakakamiss yung mga kaklase kong baliw.
Balik sa topic.
First day. Awang-awa ako sa mga freshmen dahil yung ibang block, hindi pinuntahan nung mga instructors nila. Kami, mega orientation ang nangyari. Orientation para sa duty namin sa mga health center. Naka-assign ako malapit sa barangay namin so imposibleng ma-late pa ko. HAHA. Goodluck na lang sa malalayo ang bahay.
Next week na ang super kinakatakutan ko. Hindi ba sobrang aga para turuan kaming mag-inject? Yung mga dating second year kasi, second semester pa tinuruan. Favorite yata kami nung bagong Dean.
Bukas, PE. Aww. Ayoko ng sports. 7:00 pa yung time. Grabe.
Goodluck ulit.