BHOK AT 18
Sa kasamaang palad, napasama ako sa 18 Symbolic Gifts. Ako pa naman yung klase ng taong hindi nag-eenjoy sa public speaking. Ako yata yung may pinakamaikling message na sinabi. Sa sobrang ikli, nakalimutan kong sabihin yung Happy Birthday. HAHA. Tumbling ang lola mo. Enjoy naman ang debut kahit unti lang yung mga kakilala ko. Parang manyaker lang yung emcee. Sorry, kuya. Hindi kita feel. Happy 18th Birthday, Marjorie! Nung July 18. :)
GUSTO KO NANG MAGING MOTHER
Imposible. Jowa nga wala ako, anak pa kaya. Ambisyosa. Simula kasi nang dumating yung anak ng pinsan ko sa buhay namin, natuwa na ko sa mga babies. Lalo na yung mga mag-iisang taong gulang pa lang. Ang sarap kargahin tsaka paglaruan. Paradise ang emote kapag ngumingiti sila. Parang mga angels in the sky. HAHA.
I LOVE TO SERVE!
Keme! Ito na naman ako tungkol sa Nursing. Wala, nakakatuwa na yung mga pangyayari. Tulad ng sinasabi ko dati, masyado na kong napapamahal sa mga blockmates ko tsaka sa mga Clinical Instructors ko. Sa sobrang pagmamahal, baka hindi na ko makamove-on kapag nagka-hiwa-hiwalay na kami. Emote Emote. Nakakahasa ng pag-iisip yung pagduduty sa mga health center. Nursing muna ang drama ng buhay ko ngayon.
Yun lang muna. Gusto ko nang umuwi para laruin si Baby Sean. TTFN.