- ang boring! kung hindi boring, ang init, oo. [nakakailang magtype. hirap talaga pag sa internet cafe lang nag-iinternet, ang daming nakikitingin.]
- nakapanood na naman ako ng takeshi's castle kanina. muntanga, tawa na naman ako nang tawa. kasi naman e, tama bang makipag-sumo 'yung payat na contestant sa professional sumo wrestler? helo, huhu. isang buhat lang sa kanya, talo agad. sino bang nakaisip ng ganung contest? i lab hem.
- sa wakas, ilang linggo rin ang hinintay ko, nagbabaka-sakaling mapapanood ko sa asap 07 ulit si AJ PEREZ. oo, sumayaw na siya kanina.
ahh, no comment. basta, cute pa rin siya.
- anggulo-gulo. akala ko mananahimik na 'yung buong olongapo dahil wala na 'yung mga walang kamatayang jingles ng mga tatakbo sa eleksyon. husko, di pa pala. sana May 15 na.. oo, wala na silang magawa. pati yung mga malalaking bato, dinidikitan na rin nung mga mukha nila. no wonder kung may mangyaring dayaan ngayon.
fighting for excellence.. helo, huhu.
- ang sarap panoorin nung away kanina sa PBB. oo, nag-enjoy ako. may emotional issues si marie kris. gosh, i hate her.
yung may smiley lang ang habol ko dyan. oo, muntanga si garfield. aww, he looks so sad.. nalugi?
kshie <3