Y
oo. naalala ko 'to. little lulu sa cartoon network. ang pinakafavorite kong palabas sa lahat ng mga tv shows noon. wala yata kong pinalagpas na episode ñan. sa sobrang kaadikan ko, dinodrawing ko pa siya pero hind ko ma-perfect dahil ang hirap i-drawing 'yung curls ña. si annie rin na bestfriend ña, hindi ko rin maperfect kahit na gulo-gulo lang buhok ña at may dalawang malalaking ngipin sa harapan. nakakamiss 'tong palabas na 'to. bakit ba ngayon ko lang naisipang i-search ulit 'to sa internet? nakalimutan ko na last name ni lulu. di ko na matandaan! wala akong kwentang fan. :[ ilang taon nang oo, k.
balik ño nga si lulu.. kahit walang cartoon network ang TV namin. lol
__________
so, as usual. galing na naman kami kanina sa school para sa pag-eencode ng yearbook. tapos na trabaho ko, so paupo-upo na lang ako sa computer lab, nagtitingin ng mga pictures sa usb ni regine, at kung anu-ano pa. ayos na sana pero mas gugustuhin ko pang matulog na lang kesa may makita akong parang malanding oo kanina. sa school ang destination, hindi sa kung san mang disco. what's with the outfit? talaga nga naman, ginawa pang excuse ang paggawa ng yearbook para lang makagala kung san-san. ako ang nahihiya para sa kanya..
__________
si sir, nanlibre! so like, tig-iisang chicken fillet, coke/strawberry float at large fries. grabe, ang laki nung chicken ni lailani. lugi kami. lol. naku, sayang, wala si chay. oi, chay! magcomment ka pag nabasa mo to. [: ohh 'yon, pagkatapos non, diretso sa mall. san pa nga ba? nawili sila heb sa fun house. 'yung ibabagsak yung piso, mahuhulog tapos may mga ticket na makukuha. pati piso ko, di na pinatawad. hahaha. walang gwapo, walang kung ano man ang hinahanap ño sa lalaki.. di ko kasi siya nakita e. lol. sos, nasan ka ba? malamang, may kasama nang iba. k.
__________
college, college. bat ko ba to pinasok? nursing at business management. yan na choice ko sa Gordon College. ipaglalaban ko gusto ko. lol. ako na lang magpapaaral sa sarili ko kung kailangan.
..pero joke lang yon. asa pa ko sa SLU. pochex, dapat hindi na lang ako nagpaalam na magtetest dun. nagsayang lang ako ng salita. alam ko namang hindi ako papayagan e. nakarinig pa tuloy ako ng mga kadramahang salita galing kay ina.
__________
to whom it may concern:
itigil ño na ang pagpapatugtog ng "fighting for excellence" sa daan. please lang.
isang dalagang iritang-irita na sa kantang 'yan,
kshie <3
Tuesday, April 17, 2007
@ 4:45 PM