thanks god, nakalusot din ako para bisitahin ang tindahan ng POTE. nagkataong inutusan akong.. h'wag ko nang ikwento, wala ka namang pake i. haha.
kahit walang-wala na kong pera, nagdecide pa rin akong sumakay ng tricycle dahil grabe ang init. pagdating sa tindahan, naabutan kong nanonood ang ibang ka-pote ko ng my little bride habang yung iba, tinuturuan 'yung mga estudyante nila. at dahil isa sa mga paboritong palabas ko yon, nakinood na rin ako.

alam naman na namin 'yung mangyayari don e, kaya hindi na namin tinapos. DUMAGSA ang mga bibili kaya paspasan. ako mali-mali pa, muntanga. naparami yung nilagay kong gatas sa halo-halo kaya oo, imagine-nin ño na lang kung anong itsura non. sorry, malay ko ba na ganon. mostly, mga karpintero sa kapitbahay 'yong mga bumibili. bumibili nga raw ba sila o may tinitingnan lang?
soo.. naging movie-marathon ang pagtitinda. concentrate lang kami ni marian sa next na movie dahil ang kyut-kyut-kyut ng story!
he was cool.

nice ehh? ngayon ko lang na-appreciate si song seong-heon. pakaganda talaga ng palabas! lalo na yung ending, helo huhu. muntikan pa ngang hindi mapanood dahil na-lowbat yung portable dvd player na dala ni faye, good thing.. may dalang charger. haha. dahil kung wala.. ay shet.
may next pa!

napakaganda ng title, the beast and the beauty. hindi naman si cholo ng stairway to heaven yung nandun e. hindi na namin tinapos dahil kinwento naman na ni marian na adik sa korean movies ang ending. nagkatuluyan sila kahit na hindi kagwapuhan yung bidang lalaki, the end.
kshie <3
*i so love korean dramas*