Yms. universe
nakapanood ako kanina ng miss universe pageant kanina. hindi sa mexico, sa tv lang. ang korni naman ng pinagsasabi-sabi ko. talagang hinintay kong mag-9:3O para lang mapanood ko. aksidente lang naman kasi ang pagkagising ko ng alas-sais ng umaga.
si ms. japan ang nanalo, talagang gulat na gulat na siya nung tinawag yung 1st runner-up. ang saya-saya ñang tingnan, kulang na lang siguro sumigaw siya sa sobrang tuwa.
sayang, di nanalo yung bet ko. gusto kong manalo si honey lee aka ms. korea. sumobra sa kagandahan. hello? lahat naman yata ng babae sa korea e.
si honey lee, suot yung national costume nila.
nakakagulat din nung nadulas si ms. usa. napa-upo o nadulas? basta masaklap yong nangyari. kasalanan ng gown ña, kung sino mang designer non. haha. e hindi naman na yata tela yung ginamit na oo dun sa damit. buti na lang, nakuha pa siya sa top 5.
si ms. philippines pa pala. ang sosyal, ms. photogenic. kahit hindi nakuha sa top 15, ayos lang. atlis may special award. law student pala siya tsaka ano, summa cum laude? musta naman yon.
ang galing-galing.
last na to. hindi ko kasi ine-expect na isa sa mga judges si james lee ng heroes. hindi lang pala acting skills meron yon, judge-ing skills din. korni.
sana si hiro ka na lang.

Tuesday, May 29, 2007
@ 9:40 PM