Yschedule.
nakakabagot 'tong araw na to. 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, brownout. siguro, mas maganda kung sabihin na lang na blackout. pero sa mga oras na yon, maraming nangyari. marami akong nalaman na kanina ko lang nalaman at may mga nakita ako na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko.
dahil nga walang magawa sa bahay, nangapitbahay na lang ako. husko, dun lang pala ako makakaramdam ng kaligayahan kahit walang katext at lowbat ang ipod. naging maganda ang kinahatnan ng kwentuhan naming magpipinsan sa point na gusto ko nang magback-out sa pagiging nursing student. dahil nga may mga experience na sila tungkol sa gañan, advantage na rin siguro sa kin yon. advantage para mag-shift sa ibang course!
ayokong magdissect o mang-hawak lang ng palaka. kung nung highschool, nakalusot ako. ngayong college, kaya ko pa kaya? ano pa kayang mangyayari kung pusa yung ididissect? ang lalakas talaga manakot nung mga yon. yung pagtatahi nung mga nahiwalay na daliri/braso kung ano pa naman. kung sa TV nga, hindi ko kayang panoorin, pano pa kaya kung nandun na ko sa mismo, nananahi na? eto pa pala. ang pinakakinakatakutan ko. ang pag-iinject. sa third year pa naman yan, pero pag third year na ko, pano na? buong buhay ko, hindi ako natuwa sa injection. kaya siguro lumaki akong may takot sa ospital.
tama yung pinsan ko. baka maging katulad ako ng mama ña, graduate ng nursing. pero ang naging trabaho, taga-lakad ng BIR, DSL, etc. lahat ng pwedeng bayaran regarding sa business.
pano ko ba ipo-post ang schedule ko dito? ang pangit ng kalalabasan kung itatype ko lang. bakit kasi walang column ek-ek dito sa blogspot. ganito na lang:
- PSY101, Friday, 8:00-11:00
- MAT101, Monday & Wednesday, 8:00-9:30
- HIS101, Monday & Wednesday, 9:30-11:00
- PHi101, Monday & Wednesday, 11:00-12:30
- PE101, Saturday, 8:00-10:00
- NSTP101, Saturday, 1:00-4:00
- ENG101, Tuesday & Thursday, 8:00-9:30
- PIL101, Tuesday & Thursday, 9:30-11:00
- CHM101, Tuesday & Thursday, 11:00-12:30
- CHM10L, Tuesday, 1:00-3:00
maiintindihan naman diba? bakit may saturday class. ayokong may ganyan, nakakatamad pag sabado! in fairness, ang aga ng uwian, 3:00.ahoy! tapos ko na season two ng Prison Break! season 3. wee~ napaiyak/napaluha pa ko sa bandang huli. tama bang makulong si michael scofield? yan, nagkwento na. helo? huhu. night.
Saturday, May 26, 2007
@ 12:13 AM