CASEY.
Napakaliit talaga ng mundo. Sa GC ko lang pala matatagpuan yung kapangalan ko. At naging blockmate ko pa talaga. At ngayon, close na kami dahil sa technology. Nakakatuwang isipin na may kapangalan ako, bihira lang ako makarinig ng Casey. Tapos KC pa ang spelling. Haru.
Ngayon ko rin nalaman na kapag magka-pangalan, may mga pagkakatulad din. Parehong nag-aral sa Columban nung mga kabataan. Parehong madaldal, parehong weird at parehong may pagka-negative pagdating sa ibang tao. Parehong nagka-crush sa iisang tao. Parehong mahilig sa music at pareho kaming may plain brown na damit. Buti na lang, hindi ko yun nasuot kanina kundi parehas pa kaming naka-ganon.
Ang pagkakaiba nga lang sa min, hindi kami magkasundo sa fastfood.
Siya maka-Jollibee, ako.. Maka-Mcdo. (:
Haha. Saya. Bagong friend na naman. Ü